REAKSIYON SA PACIFIC WAR

Thursday, May 19, 2005

Reaksiyon sa Pre-need Plans

Bago namin simulan ang pagbibigay ng reaksiyon ay nais muna naming magbigay ng kaunting background tungkol sa Pacific Plans Incorporated (PPI) upang magkaroon ng idea ang mga mambabasa sa pagpapatuloy ng sulating ito. Bilang panimula ang PPI ay bahagi ng Malayan Group, isang grupo ng mga korporasyon na pag-aari ng mga Yuchenco. Pumasok ito sa Pre-need business noong 1966. Ang kumpanya ay unang nagbenta ng mga traditional plans/ open-ended plans noong 1986 dahil sa nakitang magandang market opportunity (ang mga open-ended plans ay gumagarantiya na babayaran ang mga kaukulang tuition ng mga plan holder sa hinaharap maging anuman ang halaga nito). Ngunit noong 1992, itinigil ang pagbebenta ng open-ended plans dahil sa pagderegulate ng tuition, ibig sabihin maaaring magtaas ng tuition ang mga paaralan sa kanilang kagustuhan.

Dahil sa mga di inaasahang pangyayari sa business environment, gaya ng 1997 Asian Crisis at ang biglang pagtaas ng mga tuition dahil sa deregulation, unti unting lumaki ang deficit ng Pacific Plans. Sa paniwalang magagawan ng paraan ang napipintong problema nagsumite ng mga inaccurate financial reports ang kumpanya sa Securities and Exchange Commission. Tinago nila sa publiko ang napagdadaanang problema upang hindi mag-alala ang mga plan holders at upang makapagbenta pa rin ng iba pang plans sa mga customer. Ngunit lalo itong nagpasama sa kalagayan ng kumpanya. Sa pagdaan ng mga taon ay unti unti itong nalugi ng hindi nalalaman ng SEC. At ngayon na nga ay nagfile sila ng rehabilitation upang masalba ang kumpanya at maprotektahan ang mga plan holders. Isang desperadong hakbangin!

Hindi namin masisisi ang mga plan holders sa patuloy na paghahabol sa PPI. Edukasyon at mga pangarap ng kanilang mga anak ang nakasalalay dito. Masyadong naging maganda at mahikayat ang marketing strategy ng PPI upang makabenta ng napakaraming educational plans. Masyadong nakakaakit ang pangako ng mga open-ended plans upang tanggihan ng mga plan holders. Sa ilalim ng mga kontrata, ipinapangako ng kumpanya na sasaluhin ang gasto ng edukasyon ng mga anak ng plan holders hanggang magtapos sila, kahit anong mangyari, kahit tumaas ang halaga ng matrikula ay ginagarantiyahan ng kumpanya na tutulungan ang plan holders sa gastuhin. Ngunit mukhang hindi ito ang nangyayari. Kung tutuusin masyadong maganda ang mga pangako ng PPI na tila mahirap paniwalaan sa unang banda. Tila nga nangbobola lang ito sa simula upang makahuthot ng salapi. Hindi namin maintindihan kung napagisip-isip ba ng mga bumili ng plans ang kahihinatnan ng kanilang investment. Una napakarisky nito dahil matagal pa bago marealize ang mga benefit. Naalala ko na bumili rin noong una ng college plan sa CAP (College Assurance Plan) ang aking mga magulang para sa aking dalawang nakababatang kapatid, ngunit sa huli napagtantong may hindi magandang mangyayari kaya ipinagbili rin nila ito. Ang tanging susi? Magbasa ng mga dyaryo at maging mulat sa kalagayan ng ating ekonomiya! At hindi nga nagtagal, makaraan ng iilang taon pa lang, napabalitang nalulugi na ang nasabing kumpanya. Sa ngayon umaabot na sa kulang-kulang PhP 17B ang nalulugi sa CAP.

Sa isang banda ay hindi rin natin marahil maibubunton ang lahat ng sisi sa PPI. Napakalaki ng naging epekto ng pagaalis ng 10% Tuition Cap noong 1990. Ito ay nagbunsod ng sunod sunod na pagtaas ng matriklula, na bagaman ginawan na ng paraan ng kumpanya sa pagtigil ng pagbenta ng open-ended plans ay hindi pa rin naging sapat. Sadyang napakalaki ng itaas ng tuition fees nitong mga nakaraang taon na hindi napredict ng mga Actuarians ng kumpanya. Kung napredict man ay hindi naging accurate. Gayunpaman, maliki ang obligasyon ng PPI lalo pa’t hindi agad nalaman ng SEC ang nangyayaring pagkalugi. Ang Asian crisis at ang pagtanggal ng tuition fee cap ang pinakasinisisi ng PPI at gayon din ng CAP sa kanilang kasalukuyang kinakaharap na pagkalugi. Ngunit sa tingin namin ay hindi ito sapat na dahilan. Napagalamang hindi lamang ito ang pangunahing dahilan ng pagkalugi ng CAP. Ang tinuturong napakalaking dahilan pa ay ang Corporate Mismanagement. Bagamat hindi pa ito napapatunayan sa kaso ng Pacific Plans Inc., napagtanto na ito ng SEC sa kaso ng College Assurance Plan. Kabilang dito ang pagpapatuloy na pagbenta ng CAP ng mga open-ended plans hanggang 2002. Napakalaki rin ng naging epekto ng palpak na investment na ginawa ng management ng CAP. Sa halip na maginvest sa ibang kumpanya ay sa mga sister companies (Sobrepena Companies) ito naginvest. Kaya umiikot lang sa loob ng company group ang pera. Kaya nang malugi ang iba pang pagaari ni Sobrepena ay nalugi na rin pati ang CAP.
Maaring huli na ang lahat para bawiin ang mga investment na nagawa. Ngunit dapat na lang itong ituring na leksiyon ng mga investors sa hinaharap. Dapat nating malaman na sa mga business na kalinya ng mga Pre-need plans, ang pagtitiwala ang pinakamahalaga. Para sa mga plan holders, ang hindi pagtupad ng mga Pre-need Plan Companies ang pinakamasaklap na pangyayari. Ito ay maituturing na pagtratraydor sa kanila. At ang mas masaklap, kung tuluyan nang malugmok sa pagkalugi ang kumpanya, pati ang edukasyon at pangarap ng mga magulang sa kanilang mga anak ay maglalaho ring parang bula. Sa parte naman ng mga kumpanya, ang pagkasira ng tiwala ng mga potetial investors ang hudyat ng katapusan ng kanilang negosyo. Kung walang pagtitiwala ay tiyak na walang magiinvest sa kumpanya, kung walang magiinvest, wala ring kikitain at pasasaan pa ay babagsak din ito.

Kung naging maayos lamang ang pamamalakd ng PPI ay malamang na hindi na umabot sa ganitong sitwasyon ang problema. Ang hindi pagsasabi ng totoong financial status ng kumpanya ay para na ring paghukay sa sariling libingan. Kung naipagbigay alam lang sana sa kinauukulan ang mga nararapat na inpormasyon, malamang ay hindi lumaki sa kasalukuyang halaga ang deficit. Dapat nang may nakikitang nalulugi na ang kumpanya ay itinigil muna sana ng PPI ang pagbebenta ng mga plan at sa halip ay humanap na ng mga investor para masalba ang negosyo. Malamang ay mahirap itong gawin, pero nalalaman kong may iba pang alternative ang PPI noong mga panahonh iyon. Mas pinalaki lamang nila ang kanilang problema. Higit na mahirap nang makahikayat ng investor ang PPI ngayon lalo pa’t kalat na ang kanilang pagkalugi. At mas lalo pang wala na silang mahihikayat na bumili pa ng mga panibagong plans sapagkat nababatid na ng mga tao na hindi sila mapagkakatiwalaan sa panahon ng kagipitan.

Nagdududa tuloy kami kung sincere nga sa kanilang mga pangako ang mga Pre-need Plan Companies. Hindi kaya ang interes lang ng kanilang investor at ang corporate interest lang ang mahalaga? Tila higit na binibigyang halaga ng mga kumpanyang ito ang pakakaroon ng malaking kita kaysa tuparin ang kanilang pangako noong simula pa lamang.

Mahirap talaga malaman kung ano nga ang totoo, kaya hanggang kuro-kuro na lamang muna kami. Pero ito ang tiyak at sinasangayunan ng buong grupo, hindi kami bibili ng kahit anong educational plan kung sakali sa hinaharap!

Matapos ma iksplika ang kaganapang nangyayari sa kasalukuyan, ikumpara naman natin sa isang parte ng buhay sa isang tauhan sa El Filibustirismo ni Gat. Jose Rizal. Si Kabesang Tales, o Telesforo de Dios, ang anak ni Tandang Selo, una nating matatagpuan sa Kabanat 4, Kabesang Tales ng libro, ay isasalaysay ko muna sa inyo. Sinasabing namasukan bilang kasama sa lupain ng isang kapitalista. Paglaon, may dalawa na itong kalabaw at ilang daang piso, at hinangad nitong magsarili sa tulong ng ama, asawa, at tatlong anak. Hinawan at nilinis nila ang gubat sa may hanggahan ng bayan at sa paniwala nila’y walang sinumang may-ari. At sa pagsasagawa nito, dinapuan ang buong mag-anak ng lagnat na ikinamatay ng asawa at panganay na anak, na si Lucia, ni Kabesang Tales. Nang mag-aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman. Nagpahintulot ang tagapangasiwa ng korporasyon na pakinabangan nila ang lupa hangga’t taunang nakapagbabayad sila ng maliit na halaga, barya-baryang dalawampu o tatlumpung piso. Hanggang tumagal, pataas ng pataas ang sinisingil sa kanila, at sabi ni Tandang Selo, kunwari ay nagpapakain na lamang siya ng buwaya. Hanggang sa dumating sa puntong limang daang piso na ang hinihingi, hindi na niya nakayanan at siya ay nagweklamo. Humingi siya ng tulong sa mga opisyal, at bagamat alam nila na tama naman si Kabesang Tales ay kinampihan pa rin ang mga prayle dahil nakatataas sila.

Maaring sabihin na si Kabesang Tales ay ang PPI na nagbenta ng open ended plans na nakitang magandang market opportunity, tulad ng ginawa ni Kabesang Tales sa pagaayos ng lupa upang tamnan at ipagbili ang mga ani. Habang tumagal, lumaki ng lumaki ang hinihingi ng mga relihiyosong korporasyon tulad ng paglaki ng paglaki ng numero ng plan holders na nag a avail ng open-ended plan ng PPI na tinanggap naman ng tinanggap nito tulad din ni Kabesang Tales na tinanggap ng tinanggap ang malaking hinihinging upa ng korporasyong relihiyoso. Hanggang sa hindi na makayanan ni Kabesang Tales ang halagang hinihingi, tulad ng hindi makayanang matugunan ng PPI ang mga plan holders sa kampanyang ito. Ngunit dito babaliktad abng sitwasyon, sapagkat ang may kasalanan ay ang PPI na dapat handa sa ganitong suliranin dahil bago sila magbukas ng ganitong klaseng business alam nila na maaaring magkaroon ng ganitong suliranin at dapat magkaroon ng back-up plan. Si Kabesang Tales ngayon tulad ng mga libo-libong plan holders, ay nagsampa ng kaso dahil sa hindi makatarungang ginagawa sa kanila. Ngunit dahil mas nakatataas ang mga korporasyong relihiyoso, gaya ng nasa mataas na social stratification ng society ang PPI, kahit alam na tama naman si Kabesang Tales at ang mga plan holders, natalo pa rin ang mga huli.